Biyernes, Setyembre 6, 2013

Nasaan na ang Bilyong-bilyong pera? (Current Event)

P10 Billion Pork Barrel Scam. Matataya itong isa sa pinakamalaking scam na nangyari sa historya ng Pilipinas na kung saan nagdulot ng napakalaking gulo at pagtatalo sa pagitan ng gobyerno at mamamayang
pilipino. sinasabing ang utak sa scam na ito ay walang iba kundi si Janet Lim Napoles na kung saan nagtago ng ilang araw at linggo dahil sa ginawa nitong krimen. Ngunit makaraan ang ilang araw matapos patungan ng P10 Million ang ulo ni Napoles para sa makakahanap sa kanya ng buhay ay kusa na lang itong sumuko mismo sa loob ng MalacaƱan at sa harap mismo ng Pang. Aquino.

Matapos sumuko si Napoles, agad itong dinala sa Makati City Jail ngunit agad ding inilipat sa ibang presinto sa kadahilanang hindi ligtas ang kanyang seguridad doon.

Sinasabi na sa scam na ito ay hindi nag iisa si Napoles, kundi may ilang senador syang kasama sa hatian ng nasabing pera, ang mga senador na dinadawit dito ay sina Senators Jinggo Estrada, Ferdinand Marcos Jr., Gregorio Honasan, Juan Ponce Enrili at Ramon Bong Revilla Jr.

Ngayong nahuli na ang utak sa Pork Barrel Scam, at inilalatag na rin ang susunod na kasong para sa kanya at para sa iba pa, ano na kaya ngayon ang susunod na hakbang? Ano na kaya mangyayari sa bilyon-bilyong perang nawala? At kani-kanino na kaya talaga ito napunta? Sino-sino na kaya ang humawak at saan kaya nila ginamit?

Ang bilyon-bilyong pera na pinag-ipunan ay saan na kaya napunta?




A Fortunate Student (Feature)

La Verdad Christian College was the first College in the Philippines that has a full scholarship plan, no tuition fee, no miscellaneous fee, the uniforms are free, your breakfast and your lunch are also for free. This College was founded by Bro. Eli F. Soriano and Bro. Daniel Razon, this college is for the students who have not enough to support their college fees. Last year, I saw lot of students that inquires and take the exam, but only few were given a chance to attain the full scholarship.

 So, the question is, why am I here in L.V.C.C.? Well, it is also the questioned that stays marked in my mind, I`m just thinking that is the mercy of God why he allows me to enter to this college school. But another reason that I am thinking is, I am here in La Verdad Christian College to be a small instrument to guide some of the students to know the true gospel of God and to open their minds.

Well, anyway, as far as I am here in La Verdad, I feel flattered because I am very comfortable with this school, I am not only gaining knowledge academically but also biblical. That is why I can say thanks be to God for his kindness that I am the one of the fortunate students that is still staying in this kind of dreamed school of most students.

Huwebes, Setyembre 5, 2013

Bugso ng UNTV Cup (Sports)


Painit ng painit ang laban na nilalahokan ng AFP, Judiciary, PNP, MMDA, Philhealth, DOJ at Congress-LGU  sa patuloy na ginaganap na 1st UNTV CUP sa Ynares Sports Complex at Pasig Sports Complex, ang nasabing palaro o liga ay ginaganap tuwing linggo alas 2 ng hapon sa mga nasabing lugar.

Ang liga na ito na nilalahokan ng mga Government Officials ay naisakatuparan sa pangunguna ni Mr.Public Service, Kuya Daniel Razon na naglalayon  na matulungan ang mga mamamayang Pilipino sa kapalit na charity ng mananalo sa pamamagitan ng larong basketball na sya namang kinagigiliwan ng maraming Pinoy.

Matatandaan na ang 1st UNTV Cup ay nagpasimula noong ika-29 ng Hulyo taong kasalukuyan, at patuloy pa rin ang laro. At mula noong nagumpisa ang ligang ito, nasa unang pwesto pa rin ang PNP na may standing na 4-0, sumunod naman ang Judiciary at AFP na may standing na 3-2, humahabol din ang Philhealth at MMDA na may standing na 2-2, sunod ang CONG-LGU na may 2-3 na standing at huli ang DOJ na may standing na 0-5.