Painit ng painit ang laban na nilalahokan ng AFP, Judiciary, PNP, MMDA, Philhealth, DOJ at Congress-LGU sa patuloy na ginaganap na 1st UNTV CUP sa Ynares Sports Complex at Pasig Sports Complex, ang nasabing palaro o liga ay ginaganap tuwing linggo alas 2 ng hapon sa mga nasabing lugar.
Ang liga na ito na nilalahokan ng mga Government Officials ay naisakatuparan sa pangunguna ni Mr.Public Service, Kuya Daniel Razon na naglalayon na matulungan ang mga mamamayang Pilipino sa kapalit na charity ng mananalo sa pamamagitan ng larong basketball na sya namang kinagigiliwan ng maraming Pinoy.
Matatandaan na ang 1st UNTV Cup ay nagpasimula noong ika-29 ng Hulyo taong kasalukuyan, at patuloy pa rin ang laro. At mula noong nagumpisa ang ligang ito, nasa unang pwesto pa rin ang PNP na may standing na 4-0, sumunod naman ang Judiciary at AFP na may standing na 3-2, humahabol din ang Philhealth at MMDA na may standing na 2-2, sunod ang CONG-LGU na may 2-3 na standing at huli ang DOJ na may standing na 0-5.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento